Indian national, sugatan sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2017 05:39 AM

Sugatan ang isang Indian national matapos salpukin ng SUV ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marish Kumar, 42-anyos.

Ayon sa imbestigasyon, tumatawid sa intersection ng Taft Avenue at UN Avenue si Kumar nang mabangga ng Honda HR-V na minamaneho ni Mary Eugene Altoveros.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso si Kumar at dinala kaagad sa ospital. Si Altoveros ay dinala naman sa traffic bureau ng Maynila para imbestigahan ang aksidente.

Isa sa mga nakikitang problema sa lugar ay ang sirang traffic light kaya kanya-kanya nang tantyahan ang mga motorista.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.