Binatilyo, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2017 01:46 AM

Patay ang isang 19-anyos na lalaki habang sugatan ang nanay nito nang pasukin ang kanilang bahay at pagbabarilin sa Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina Keifer Anselmo Ramos, habang sugatan naman ang ina nitong si Amapola.

Ayon kay barangay chairman Arthur Soriano, nangyari ang pamamaril alas-6 ng gabi kung saan apat na putok ng baril ang narinig.

Dead on the spot ang binatilyo sa tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan, habang tinamaan naman sa balikat at binti ang kanyang nanay na isinugod sa ospital.

Tatlong lalaking may suot na sumbrero ang umatake atsaka tumakas sakay ng getaway motorcycle.

Ayon sa kapatid ng biktima, dating nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima dahil umano sa away sa relasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.