PatrolPH

2 miyembro ng 'basag-kotse' timbog sa pangingikil sa Pasig

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2021 11:00 AM

MAYNILA—Arestado ang 2 hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang matapos mangikil sa kanilang nabiktima sa Pasig City noong Linggo.

Ayon sa ulat ng Pasig City Police station, nagsagawa ng entrapment operation laban sa mga suspek matapos kontakin nila ang biktima ng basag-kotse sa Cainta, Rizal.

Nanghingi sila sa biktima ng cash para mabawi ang ninakaw na laptop at cellphone. Nagpalit-palit pa sila ng lugar ng meet-up.

Nahuli rin pagkatapos ang mga suspek na sina alyas Bert, 22 anyos, at alyas Jay, 41 anyos, kapuwa taga-Pasig.

Binawi sa kanila ang marked at boodle money. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na delivery rider.

Kasong robbery extortion ang isasampa sa 2 suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.