PatrolPH

100 pamilya inilikas dahil sa malawak na bitak sa lupa sa Quirino

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2020 11:44 PM | Updated as of Nov 17 2020 08:01 AM

100 pamilya inilikas dahil sa malawak na bitak sa lupa sa Quirino 1
Nangamba ang mga residente ng Brgy. San Pugo sa bayan ng Nagtipunan, Quirino matapos lumawak ang isang bitak sa naturang lugar. Mga larawan mula kay Mayor Nieverose Meneses

Inilikas ang nasa 100 pamilya sa Brgy. San Pugo sa bayan ng Nagtipunan, Quirino matapos magkaroon ng malawak na bitak sa gitna mismo ng komunidad.

Ayon kay Nagtipunan Mayor Nieverose Meneses, Sabado nang mapansin ng mga residente ang bitak sa lupa na nagsimula daw sa maliit hanggang biglang lumawak.

"Napaikutan ng crack buong barangay, hiwa-hiwalay ang crack. Sobrang malalaki na parang guguho na, kaya inilikas namin lahat ng mga tao doon.," ani Meneses.

Dinala sa evacuation center ng Barangay Ponggo ang mga inilikas na residente.

Palaisipan pa rin sa kanila kung bakit nangyari ang insidente.--Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.