MAYNILA—(UPDATE) Sinuspende ang klase sa probinsiya ng Cagayan para sa Lunes, Nobyembre 18, dahil sa inaasahang masamang panahong dala ng bagyong Ramon.
Parehong sinuspende ang mga klase ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod.
Kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone wind signal No. 1 sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, at sa hilagang bahagi ng Aurora.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan ng mga taga-Cagayan at Isabela sa Linggo, ayon sa PAGASA.
I-refresh ang pahinang ito para sa updates.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, walang pasok, class suspension, school, bagyo, Ramon, tropical storm