P1.3-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa 2 lalaki sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 02:35 PM


MAYNILA — Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong makuhanan ng droga sa isang buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila. 

Ayon sa report ng Sta. Mesa police, nakuha sa 2 suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon. 

Agad na naaresto ang 2 suspek matapos tanggapin ang P66,000 boodle money. 

Nakatakdang sampahan ng drug cases ang 2 suspek, na dati na palang nahuli sa parehong kaso. 

-- Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.