2 nurse sugatan sa pananambang sa Agusan del Sur

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 12:28 PM

Sugatan ang dalawang nurse matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan sa Purok 7, Barangay San Isidro, San Francisco, Agusan del Sur, Biyernes ng gabi.
 
Sa imbestigasyon ng pulisya, bumibiyahe mula sa San Francisco at papunta sana sa Rosario sa Agusan del Sur ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Agad na dinala sa pagamutan sa Patin-ay sa bayan ng Prosperidad ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
 
Narekober naman ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang mga bala ng kalibre .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pananambang at hot pursuit operation para sa posibleng pagkilala at pagdakip sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.