PatrolPH

1 patay, 1 sugatan sa engkuwentro sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2018 05:14 AM | Updated as of Nov 16 2018 06:36 AM

Watch more News on iWantTFC

CAVITE - Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kapatid matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa Dasmariñas, Cavite.

Nasawi si Ronelson Rosal habang nagtamo ng tama ng bala sa hita ang kapatid na si Val.

Ayon kay Chief Insp. Romulo Dela Rea, hepe ng General Mariano Alvarez police, inireklamo ang magkapatid ukol sa ninakaw na puting motorsiklo.

Nang respondehan ng mga pulis sa Barangay Paliparan, nagpaputok umano ang magkapatid. Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ni Ronelson.

Parte umano ng grupo ng palit-bato ang magkapatid kung saan ginagamit ang mga nakaw na motorsiklo sa pagtutulak.

Arestado rin ang 4 na iba pa na nahuling gumagamit ng droga sa bahay na hinihinalang drug den.

Narekober sa lugar ang 2 kalibre .38 na baril, ilang pakete ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.