Truck pumutok ang gulong, tumagilid sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 09:33 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Tumagilid ang isang six-wheeler truck matapos pumutok ang isang gulong nito habang binabagtas ang northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) Huwebes ng gabi.

Ayon sa NLEX traffic management office, pumutok ang isa sa mga gulong ng truck na naging dahilan upang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver.

Dagdag nito, may 2 kilometrong traffic build-up sa bahagi ng NLEX-Marilao dahil sa insidente. Mayroon namang 2 passable lanes at counterflow lane na nakahanda.

May kargang mga sako ng feeds ang truck. Walang naitalang nasaktan sa insidente.

Kasalukuyang inaalis ang sasakyan sa kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.