Laborer sugatan nang saksakin ng kapwa trabahador

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 12:23 PM

Personal na away ang tinitingnan ng awtoridad na motibo sa pananaksak kay Ryan Carcueva ng kapwa trabahador na si Janjan Estillore sa Davao City.

DAVAO CITY – Sugat sa tiyan ang tinamo ng isang laborer matapos saksakin ng ka-trabaho sa loob ng kanilang tinitirahang bahay, Miyerkoles ng gabi dito sa siyudad.

Sinaksak umano ni Janjan Estillore ang kasamahan na si Ryan Carcueva sa Barangay Ubalde, Agdao. Tumakas si Estillore matapos ang insidente.

Ayon sa kasamahan nila na si Ricky Dalumpines, nakarinig na lang siya ng ingay sa ikalawang palapag ng bahay. Nakita rin niyang duguan na ang isa sa mga kasamahan.
 
Personal na away ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya.

Di umano’y nakainom ang dalawa nang mangyari ang krimen.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.