Pormal nang umupo bilang bagong commander ng Eastern Mindanao Command si Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. ngayong Miyerkoles. Courtesy of Eastern Mindanao Command
DAVAO CITY—Pormal nang umupo bilang bagong commander ng Eastern Mindanao Command si Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. ngayong Miyerkoles.
Pinalitan niya si Brig. Gen. Perfecto Rimando na dalawang linggong nanungkulan bilang acting commander ng EastMinCom.
Sa ginawang change of command ceremony, inilatag ni Madrigal ang kanyang mga plano para sa EastMinCom.
"We will focus on DSSP Kapayapaan to solve insurgency. We will pursue our culture of professionalism. Let us all work together as a team,” ani Madrigal.
Ang DSSP Kapayapaan — o ang Development Support and Security Plan Kapayapaan — ay kampanya ng Armed Forces of the Philippines para palakasin ang seguridad kontra terorismo at pagsuporta ng peace initiatives ng gobyerno.
Hamon naman ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero kay Madrigal na tapusin ang insurgency at terorismo sa Eastern Mindanao.
"Tiwala ako sa pamumuno ni Madrigal na ipagpapatuloy at hihigitan pa ang nagawa na. I'm confident that the command is in good hands,” sabi ni Guerrero.
Dating naging brigade commander ng 701st Infantry Brigade sa Mati, Davao Oriental si Madrigal, bukod sa pagiging dating assistant division commander ng 10th Infantry Division sa Mawab, Compostela Valley; commander ng 4th Infantry Division sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City; at commander ng Southern Luzon Command sa Camp General Nakar, Lucena City.
Miyembro si Madrigal ng Philippine Military Academy "Sandiwa" Class of 1985.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Benjamin Madrigal Jr., Rey Leonardo Guerrero, Armed Forces of the Philippines, Davao City, AFP