Daan-daang bote, nabasag sa Elliptical Road

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 08:04 AM

Nabasag ang daan-daang walang lamang bote sa Elliptical Road, Quezon City matapos mahulog ang mga ito mula sa isang 22-wheeler na truck, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa driver ng trailer truck, bahagyang tumagilid ang sasakyan kaya nagpreno siya at nahulog ang 30 case. Beer sana ang ilalaman sa mga bote.

Pansamantalang isinara ang nasa 5 lanes ng daan dahil sa mga nagkalat na bubog.

Posibleng kasuhan ng reckless driving ang naaksidenteng drayber. Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News