Sasakyan sumalpok sa concrete barrier ng Commonwealth Avenue

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 10:15 AM

Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA -- Sumalpok ang isang sasakyan sa concrete barrier ng Commonwealth Avenue sa Quezon City Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Staff Sgt. Vincent Aquino ng Quezon City Police District (QCPD) traffic sector ang drayber ng sasakyan na si Wilson Ollaget.

Ayon kay Ollaget na isang engineer, galing siya ng Katipunan at pauwi na sana ng Fairview nang makaidlip siya habang binabaybay ang Commonwealth bago mag-Sandiganbayan.

Wala namang nasugatan sa insidente pero nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Paalala ng mga awtoridad sa mga motorista, doble-alerto sa kalsada at iwasang magmaneho kung inaantok.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.