Mga magsasaka sa Isabela nakahinga nang maluwag sa paglihis ni Ramon

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 07:53 PM | Updated as of Nov 15 2019 09:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

ILAGAN CITY, Isabela — Bahagyang nakahinga nang maluwag ang mga taga-Isabela matapos lumihis ang direksiyon ng bagyong Ramon at umiwas sa kanilang probinsya.

Umaga nitong Biyernes nang magbago ang usad ng bagyo at lumihis kaya hindi na ito raragasa sa Isabela. 

 "As of November 15, 4 a.m. tumaas pa siya lalo, so parang di na siya magla-landfall. Nandun na siya sa taas ng Aparri, pero kailangan pa rin nilang magmando dun, kasi malapit sila sa riverside po," ani Adrian Craig Pua Samonte ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Tumauini, Isabela.

Gayunman, nagpakasiguro na ang ilang magsasaka at maagang inani ang kanilang mga tanim. 

"Napilitan na kami anihin nang mas maaga ang tanim na petsay... Mabubulok ng ulan eh," ani Jarson Gerardo.

"Eh mangingitim na 'yung palay, baka bilhin lang nang P5 pag umitim eh. Wala na luging-lugi na kami dahil sa mura ng palay," ayon naman kay Rufino Sta. Maria.

Kahit lumihis na ang bagyo, di muna niligpit ng mga emergency responders ang gamit nila at alerto pa din, habang di tuluyang lumalabas ng bansa ang bagyong Ramon.
    

—Ulay ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.