Construction worker patay nang mahulog sa gusali sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 03:26 PM

Patay ang isang construction worker nang mahulog sa building sa kanto ng EDSA at Ayala, Brgy. San Lorenzo, Makati City. 

Ayon sa ulat ng Makati City Police, alas-11 ng umaga ng Biyernes nang bumigay ang tinatapakang tabla ng 28 anyos na trabahador. 

Mula sa ika-16 na palapag ng gusali bumagsak ang lalaki. 

Diretsong bumagsak ang biktima sa lupa. 

Sinubukang i-revive pa ng doktor ng kompanya ng gusali ang construction worker. 

Nadala pa ang biktima sa Makati Medical Center kung saan siya idineklarang dead on arrival. 

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.