Babae sugatan sa hostage-taking sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 02:52 PM

MAYNILA - Sugatan ang isang babae matapos gawing hostage ng isang lalaki sa Quezon City nitong Biyernes.

Pinasok umano ng suspek ang tindahan at bahay ni Jochelle Responde sa Barangay Bagbag, Novaliches, ayon kay Police Lt. Col. Rossel Cejas.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nakararanas ng depresyon ang suspek at mayroon din umanong problema sa pamilya.

Agad na rumesponde ang mga opisyal ng barangay at mga pulis kaya nailigtas ang biktima, ani Cejas.

- ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.