21 nasagip, 3 arestado sa mga spa na nag-aalok ng 'extra service'

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 10:14 AM

MAYNILA -- Nasagip ng mga pulis Huwebes ng gabi ang 21 babaeng masahista sa 2 spa na nag-aalok umano ng extra service.

Naaresto rin ng mga tauhan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang 3 katao dahil umano sa pambubugaw.

Unang nilusob ng mga pulis ang spa sa Barangay Bagumbayan, Quezon City kung saan 17 babae ang nasagip.

Pitong babae naman ang nasagip sa spa sa Barangay Talon Dos, Las Piñas.

Isasailalim sa counseling ang mga nasagip na babae habang sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang mga suspek.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.