Lalaki patay sa pamamaril; 3 anak naulila

Ron Lopez, DZMM

Posted at Nov 15 2016 09:58 AM

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Mandaluyong City.

Ang biktima ay nakilalang si Renato Bernardo, alyas "Raged", 55 taong gulang.

Ayon sa ilang saksi, namamasada lamang ang biktima sa lugar upang makakuha ng pambaon ng anak nang mangyari ang krimen alas 9:30 ng gabi sa A.T. Reyes Street, Barangay Poblacion..

Ayon kay Kagawad Marion Espinosa, si Bernardo ay kasama sa drug watchlist ng barangay. Sumuko na rin aniya ito sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Naulila ng biktima ang kanyang tatlong anak.

Sa ngayon ay inaalam pa kung posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.