PatrolPH

Babaeng pinagbabaril sa harap ng anak, patay sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2021 11:48 AM

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Matanao, Davao del Sur noong Nobyembre 13, 2021. Retrato mula sa Matanao police
Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Matanao, Davao del Sur noong Nobyembre 13, 2021. Retrato mula sa Matanao police

Patay ang isang babae sa Matanao, Davao del Sur matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, gabi ng Sabado.

Kinilala ng Matanao police ang biktima bilang si Dorothy Bantilan, enconder ng rural health unit sa Matanao.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril si Bantilan ng isang lalaki habang nakaupo sa labas ng isang tindahan sa Barangay Poblacion, kasama ang kaniyang anak at ilang kamag-anak.

Dali-daling sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kasabwat ang gunman at tumakas.

Hindi umano binigyan ng pansin ng mga tao sa paligid ang gunman sa pag-aakalang bibili lang ito sa tindahan.

Inaalam pa ng Matanao police ang motibo sa pamamaril. Wala ring matukoy na posibleng dahilan ang mga kaanak ng biktima.

Isasailalim sa counseling ang anak ng biktima matapos niyang masaksihan ang pagpaslang sa kaniyang ina.

— Ulat ni Francis Magbanua

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.