Lalaki patay sa buy-bust

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2018 10:10 PM

TACLOBAN CITY - Patay ang isang lalaki sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa Barangay 106, Sto. Niño sa lungsod na ito Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Regional Drug Enforcement Unit ng Eastern Visayas, isang Leo Arganda, residente sa isang relocation site, ang subject ng operasyon.

Agad dinala sa ospital ang suspek matapos na mabaril ito ng operatiba nang makatunog ito na operatiba ang kaniyang katransaksyon.

Namatay ang suspek sa ospital.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril, pera at mga basyo ng bala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.