Rodriguez, Rizal walang tubig at kuryente dahil kay bagyong Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 08:14 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA – Walang supply ng tubig at kuryente ang bayan ng Rodriguez, Rizal nitong Biyernes matapos masalanta ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.

Humihingi rin ng tulog ang ilang residente dahil wala silang naisalba na gamit matapos ang sakuna.

“Hihiling po kami ng tubig at pagkain. Wala din po kaming damit na naisalba,” ani ni Rosita Morante, residente ng Kasiglahan Village.

Ilang residente na nanunuluyan sa mga evacuation center ang unti-unting sumuong sa putik Biyernes ng madaling-araw para linisin ang kanilang mga bahay. – Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News