Pasig walang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 08:49 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA – Walang naitalang patay ang Pasig City sa pananalasa ng bagyong Ulysses, ayon sa Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office nitong Biyernes.

Ani Bryant Wong, head ng Pasig City DRRMO, may ilang residente ang nasugatan habang ilang lugar naman ang lubog sa baha.

Patuloy naman ang pamimigay ng lokal na pamahalaan ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa kasalukuyan, may 22 evacuation center sa 15 barangay kung saan pansamantalang nananatili ang 8,955 residente.