Baha sa ilang barangay ng Cainta, humupa na

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 09:38 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Matapos malubog sa baha dulot ng Bagyong Ulysses, abala na ang mga residente sa mga subdibisyon sa Brgy. San Isidro at Brgy. Sto. Domingo sa Cainta, Rizal sa paglilinis ng kanilang mga tahanan. 

Ilang subdibisyon sa Felix Avenue ang wala nang baha per puno pa din ng putik ang ilang lansangan nitong Biyernes. 

Kaya ang mga residente, kani-kaniyang pagwawalis at paglilinis ng mga putik at basura sa daan. 

Mabagal ang daloy ng mga sasakyan sa Felix Ave. Bukod sa volume ng mga sasakyan, marami pa rin kasing mga sasakyang nakaparada sa daan. 

Ito 'yung mga sasakyang iniwanan muna ng mga may-ari para hindi abutin ng baha.--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.