UAAP: UST pasok sa men's basketball finals matapos lampasuhin ang UP

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 08:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nanaig ang University of Santo Tomas Growling Tigers kontra sa University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang rubber match sa UAAP Season 82 men's basketball semifinals, 68 - 65. 

Lamang ang UP, 65-63 sa natitirang 26 segundo pero naipasok ni Renzo Subido ang kaniyang three-point shot na nagpalamang sa UST, 66-65. 

Sinundan pa ito ng dalawang free throw ng Beninese import na si Soulemane Chabi Yo para umabante nang tatlo ang kanilang lamang sa huling apat na segundo ng laban. 

Pasok ang UST sa UAAP finals matapos ang apat na taon. Ito rin ang unang pagkakataon na pumasok sila sa Final Four ng liga. 

Makakaharap nila ang defending champion na Ateneo Blue Eagles, na may automatic finals berth bunsod ng pagiging undefeated buong season. 

Mapapanood ito sa ABS-CBN Sports and Action Channel, hapon ng Sabado. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.