PAGCOR di muna tatanggap ng aplikasyon para sa medical aid

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 05:40 PM | Updated as of Nov 13 2019 05:51 PM

Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ngayong Miyerkoles na ititigil muna nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa medical financial assistance.

Bunsod umano ito ng insidente kung saan pinagtangkaang i-defraud o lokohin ang ahensiya gamit ang mga pekeng dokumento.

"PAGCOR decided to cease receiving requests for financial assistance following the incident involving a couple who attempted to defraud the agency by submitting spurious documents for fictitious medical cases," sabi ng ahensiya sa pahayag.

Hinuli ng mga operatiba ng Manila Police District sa entrapment operation ang mga suspek sa panloloko, na nahaharap sa mga kasong falsification of public documents by a private individual at using false certificates.

"Pending the results of an on-going investigation to the case, the state-run gaming firm freezes its accomodation of requests for medical aid," sabi ng PAGCOR.

Sinabi rin ng PAGCOR na hinihigpitan na nito ang pagsuri sa mga dokumentong isinusumite para sa kanilang mga financial assistance.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.