Lalaking nanloob umano sa KTV bar sa Maynila, napatay

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 04:49 AM | Updated as of Nov 13 2019 06:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Patay ang isang lalaki matapos siyang mabaril ng empleyado ng pinasok na KTV bar sa Malate, Maynila noong Linggo.

Kinilala ang lalaki na si Cesar Caballero na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Naabutan ng empleyado ang lalaki sa basement kaya naalarma umano siya. Ilang beses na rin kasi silang nalooban sa KTV bar.

May dalang baril umano si Caballero kaya nakipag-agawan siya sa armas at nabaril ang lalaki.

Ayon kay Police Capt. Henry Navarro, hepe ng homicide division ng Manila Police District (MPD), restricted area ang basement ng bar kaya kahina-hinalang nakarating doon si Caballero.

"Lumalabas initially walang business doon 'yong victim natin. So maaaring sabihin na trespassing 'yong ginawa niya," aniya.

Sumuko sa presinto ang empleyado at mahaharap sa kasong homicide.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.