Clerk nagnakaw ng P2.5-M sa kompanya sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 11:29 AM


MAYNILA - Inaresto ang isang 22-anyos na storage clerk na nagnakaw umano ng P2.5 milyon sa kaniyang pinagtatrabahuhang manpower agency sa Sampaloc, Maynila. 

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng sumbong mula sa kompanya dahil nawawala ang pera sa steel cabinet ng opisina, gayundin ang CCTV footage nito. 

Inamin ng isang alyas Arvin, na kakapasok lang sa kumpanya, ang krimen. Aniya, sinira niya ang steel cabinet, kinuha ang pera at nagtira ng P443,000 doon. 

Ginastos umano niya ang pera sa cellphone, motorsiklo, sasakyan. 

Narekober sa kaniya ang natitirang P480,000 at hard drive kung saan naka-save umano ang CCTV footage.

Nakakulong ang suspek sa Manila Police District Station 4 at nahaharap sa kasong qualified theft.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.