54 kilo ng sari-saring karne mula abroad nasabat sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 03:03 PM

MAYNILA — Sari-saring karne mula ibang bansa na may kabuuang timbang na 54 kilo ang nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Miyerkoles. 

Mga tauhan ng Bureau of Customs at Bureau of Animal Industry ang nakaharang sa package na may lamang 18.5 kilo ng chicken meat, 19 kilo ng pork meat, 12.5 kilo ng duck meat, at 4 kilo ng beef. 

Ayon sa mga awtoridad, ang mga karne ay mula sa Jinjang, Xiamen at Guangzhou sa China, Narita sa Japan, at Malaysia.

Nai-turnover na ang naturang meat products sa Bureau of Quarantine para sa tamang disposal ng mga ito.

Patuloy ang pagkumpiska ng mga awtoridad sa mga karneng galing sa ibang bansa kung saan naunang napaulat na nanggaling ang African swine fever (ASF). 

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.