PatrolPH

Kalabasang tinangkang ipasok sa Davao city jail nakitaan ng shabu

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2021 03:08 AM

Kuha ng PTV Davao
Kuha ng PTV Davao

Hinarang ng mga awtoridad ang ilang mga kalabasa na inihatid sa Davao city jail Huwebes ng umaga matapos makitaan ng hinihinalang shabu ang isa sa mga ito.

Nakita sa loob ng kalabasa ang mga tabako na ang laman ay aabot sa 5 pakete ng hinihinalang shabu, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology Region 11.

Nagkakahalaga ng mahigit P300,000 ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

Hinuli ang 1 babae at ang lalaking driver ng truck na naghatid ng mga gulay sa city jail.

Ayon sa 2, hindi nila alam kung bakit mayroong lamang droga ang kanilang produktong gulay. Halos 2 taon na umanong nagde-deliver ng mga gulay ang mga nahuli.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga hinuli.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ngayong taon, 7 insidente na ng pagpuslit ng ilegal na droga ang naitala sa Davao city jail. — Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.