PatrolPH

8 menor de edad sugatan sa pagsabog ng granada sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2021 11:13 PM

Walong menor de edad ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa Baybay City, Leyte, Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, natagpuan ng isa sa mga biktima ang isang 40mm cartridge high explosive ng M203 grenade launcher sa isang abandonadong videoke house at pinaglaruan ito hanggang sumabog ito. 

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima para magamot. Minor injuries lang ang natamo nila, ayon sa mga awtoridad.

Hinihintay naman ang resulta ng post-blast investigation ng Leyte Police Provincial Office and Explosive Ordnance Disposal Unit. 

Nanawagan naman ang awtoridad sa publiko na ireport agad sa pulisya kung may matatagpuang mga bala o ano pang kahinahinalang bagay para maiwasan ang katulad na insidente.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.