PANOORIN: Malakas na alon sa Manila Bay dulot ng Bagyong Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 12:01 AM

MAYNILA - Ramdam na ng iba't ibang lugar sa Pilipinas ang malakas na hangin at ulan dala ng Bagyong Ulysses.

Malakas na din ang hampas ng alon sa Manila Bay. 

Watch more in iWantTFC

Ayon sa PAGASA weather bureau, nag-landfall na ang bagyo sa malapit sa bayan ng Patnanungan sa Quezon province nitong Miyerkoles alas 10:30 ng gabi.

Ang hangin malapit sa sentro ng bagyo ay may lakas na 140 kph habang may lakas na 195 kph ang bugso nito.

Si Ulysses ang ika-21 na bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon.--May ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.