Mga taga-Baseco, nag-evacuate dahil sa malakas na hangin bunsod ng Ulysses

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 01:41 AM | Updated as of Nov 12 2020 02:00 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Kusang sumama sa mga tauhan ng barangay ang daan-daang mga taga-Baseco Compound sa Maynila dahil sa lakas ng hangin bunsod ng Bagyong Ulysses nitong Miyerkoles ng gabi. 

Partikular na pinalikas ang mga taga-Gasangan at Aplaya na nasa tabi mismo ng Manila Bay. 

Kahit na di malakas ang ulan, tinatangay umano ng hangin ang kanilang mga bubong kaya nagpasya na silang sumilong muna sa Baseco Evacuation Center. 

Umabot na sa 842 na mga residente ang lumikas sa Baseco Evacuation Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.