#WalangPasok: Miyerkoles, Nobyembre 13, 2019

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 10:07 PM | Updated as of Nov 13 2019 12:19 PM

MAYNILA - Suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar ngayong Miyerkoles, Nobyembre 13, dahil sa inaasahang masamang panahon dala ng bagyong Ramon.

LAHAT NG ANTAS

  • Northern Samar
  • Albay

KINDERGARTEN HANGGANG ELEMENTARYA

  • Virac, Catanduanes

Kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Eastern Samar at silangang bahagi ng Northern Samar.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng pag-ulan sa mga lalawigan ng Northern Samar, Samar at Eastern Samar ngayong Miyerkoles.