Food delivery rider hinoldap, tinangayan ng motorsiklo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 04:24 PM | Updated as of Nov 12 2019 07:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinutugis na ng Quezon City Police District (QCPD) ang 2 lalaking nangholdap at tumangay sa motorsiklo ng biktimang rider para sa food delivery service.

Hinoldap noong Linggo ng 2 suspek ang rider na si alyas "Dario" sa may Road 4 sa Barangay Project 6. Nakuha sa biktima ang kaniyang pera at cellphone.

Kinuha rin ng mga suspek ang motorsiklong ginagamit ng biktima sa paghahanapbuhay.

Ikinuwento rin ni "Dario" na lalaban sana siya sa mga suspek pero naglabas ng baril ang isa sa mga ito.

Humabol pa si "Dario" sa mga suspek hanggang Mindanao Avenue pero bigo siyang maabutan ang mga ito, base sa kuha ng surveillance camera.

Sinilip din ng biktima ang rogues' gallery ng pulisya sa pag-asang matukoy at makilala ang mga nangholdap sa kaniya. -- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.