2 lalaki huling nagpa-pot session sa nakaparadang sasakyan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 04:18 AM

MAYNILA—Timbog ang 2 lalaki matapos umano silang mahuling nag-pot session sa isang nakaparadang sasakyan sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Senior high school student ang isa habang may edad 24 ang kaniyang kasamahan.

Nag-test buy ang mga pulis sa mga suspek at nang balikan ay huli sila sa pot session. Nakuha sa kanila ang 8 pakete ng hinihinalang marijuana.

Ayon kay Police Maj. Melchor Rosales ng Eastwood Police Station, nagbebenta umano ang mga suspek sa mga kabataan.

"Nakakabahala kasi mga estudyante biktima," aniya.

Itinanggi naman ito ng mga suspek at sinabing gumagamit lang umano sila ng droga.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.