ASEAN 2017: Tensyon sumiklab sa rally vs Trump sa Ermita

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2017 04:05 PM

MANILA - Nagkagirian ang mga pulis at mga aktibistang nagprotesta sa Ermita, Maynila, Linggo laban sa pagdalo ni US President Trump sa pulong ng mga world leader sa bansa. 

Nagpumilit ang mga raliyista na makalapit sa US Embassy sa UN Avenue, dahilan para magkatulakan at sigawan sila ng mga pulis. Inagaw pa ng ilang militante ang mga kalasag at helmet ng mga awtoridad. 

Bahagyan humapa ang komosyon naNg gamitan ng water canon ng mga bumbero ang mga raliyista. 

Nakatakdang dumating si Trump sa Pilipinas, Linggo ng hapon para makilahok sa ika-31 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit. 

Dadalo rin sina Chinese Premier Li Keqiang, Russian Premier Dmitry Medvedev, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pulong na tatagal hanggang Martes 

 
Ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM