Mekaniko, patay sa pamamaril sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2016 12:20 PM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin Sabado ng madaling araw sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Louie Aberilla, 43-anyos, isang mekaniko.

Sa salaysay ni alyas 'Boy', isang residenteng nakakita sa pangyayari, nakasakay daw sa dalawang motorsiklo ang tatlong suspect na may suot na bonnet nang pagbabarilin ng mga ito si Aberilla.

Kwento naman ng asawa ng biktima na si Judith, hindi daw umuwi sa Sta. Mesa si Louie noong gabing iyon dahil maaga ang trabaho niya kinabukasan.

Laking gulat at hinagpis na lang ni Judith nang malaman hindi na pala makakauwing buhay ang kanyang asawa.

Hindi pa rin alam ang motibo sa likod ng nasabing pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.