PatrolPH

Aso milagrong nakaligtas matapos saksakin ng kutsilyo sa ulo

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2022 04:02 PM

Stable na ang kondisyon ng asong ni Bonbon, isang araw matapos ang operasyon upang makuha ang nakatarik na kutsilyo sa ulo.

Narescue si Bonbon nitong Miyerkoles sa bukid ng Cebu City matapos mawala nang ilang araw. 

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

"I wasn't able to see any complications," ayon sa attending vet na si Dr. Ryan Yandog III.

Nagiging responsive na umano ang aso at malakas nang kumain matapos ang mapanganib na operasyon.

Para kay Dr. Yandog III, isang milagro na nanatiling buhay ang aso sa loob ng ilang araw.

"I can say it's miracle, kay sa upat ka adlaw nga naay foreign nga naay musulod sa lawas, it can be a source of infection," ani Yandog III.

(I can say it's a miracle, dahil sa apat na araw na may foreign (object) na pumasok sa katawan, it can be a source of infection.)

Dagdag ng doktor, himala rin na walang masyadong bleeding sa sugat at walang pinsala sa utak ng aso.

Mananatili muna sa klinika si Bonbon sa loob ng isang linggo upang masiguro ang tuluyang pagaling ng kanyang sugat.

Dahil walang permanenteng nag-aalaga kay Bonbon, marami na ang interesado na mag-adopt sa kanya.

Pero ayon kay Dr Yandog III, kailangan ang rehabilitation process ni Bonbon upang mawala ang kanyang anxiety at trauma.

Tiniyak naman ng doktor na isang adoptable na aso si Bonbon dahil sa ngayon, nahahawakan at naglalambing na si Bonbon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.