PatrolPH

P1-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Marikina; 2 timbog

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2021 07:54 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Bulto-bulto ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region sa Malanday, Marikina City Miyerkoles.

Nangyari ang buy-bust operation sa isang bahay sa Gold Street, Minahan Interior na tinitirahan ng target na si alyas Alon.

Bitbit nila ang 1 bag na naglalaman ng mga plastic ng hinihinalang shabu.

May kabuuang bigat itong 155 grams at nagkakahalaga ng P1,054,000.

Kasama ng target sa transakyon ang isang 29 anyos na delivery rider na residente rin sa naturang barangay.

Inaalam pa kung saan nanggagaling ang suplay nila droga.

Walang piyansa ang kasong pagbebenta ng ilegal na droga na haharapin ng mga inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.