5 bahay natupok sa Taal; napabayaang LPG tank maaaring sanhi

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2021 09:16 AM

Natupok 5 bahay na pawang gawa sa light materials sa Barangay Tatlong Maria sa bayan ng Taal, Batangas Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay F02 Renier Olave, chief of operations ng Taal Fire Station, pasado alas-10 ng umaga nang matanggap nila ang tawag sa sunog.

Agad silang nakaresponde dahil malapit lamang sa fire station ang sunog.

Nahirapan lamang ang mga bumbero dahil nasa tabi ng Pansipit River ang mga barong-barong kaya kinailangan pa nilang umikot sa bayan ng Lemery para marating ang mga bahay na nasusunog.

Makalipas ang 1 oras ay naideklarang nilang fire out ang lugar.

Tangke ng LPG na naiwang bukas at kuryente ang 2 sa tinitingnang sanhi ng sunog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC