PANOORIN: Burias, Masbate binaha bunsod ng Bagyong Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2020 11:19 PM

Watch more in iWantTFC

Ilang bayan sa isla ng Burias, Masbate ang binaha matapos makaranas ng malakas na buhos ng ulan dala ng Bagyong Ulysses.

Sa mga larawan at video na pinadala ng Bayan Patroller na si Ragie Mahinay, kita na umapaw ang tubig sa isang malaking tulay sa bayan ng Claveria dulot ng maghapon na pag-ulan.

 

Hindi na makadaan ang mga sasakyan sa mga highway at ibang kalsada dahil sa lalim ng baha.

Tinatayang tatama sa bansa ang Bagyong Ulysses nitong Miyerkoles ng gabi o Huwebes ng madaling araw.--Ulat ni Gerard Lorbes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.