Muntinlupa nakapagtala ng 95.83% COVID recovery rate

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2020 05:53 AM

MAYNILA - Umaakyat na sa all-time record-high ang recovery rate sa sakit na COVID-19 ang lungsod ng Muntinlupa. 

Ayon kay Muntinlupa city health officer Dr. Teresa Tuliao, nakapagtala ng 95.83 percent na recovery rate ang lungsod o yung porsyento ng mga gumaling sa sakit na COVID-19. Noong Nov. 3 lang ay 33 katao ang gumaling sa isang araw. 

Kaya ang bilang ng mga active cases sa Muntinlupa ay nasa 40 na lamang mula sa kabuuang halos 5,000 confirmed cases. Ito na aniya ang isa sa may mababang active cases sa Metro Manila. 

May 259 pa na probable cases at 53 na suspected cases sa lungsod. 

Gayunpaman, nagpaalala pa rin ang lungsod sa publiko na huwag maging kampante at sumunod pa rin sa mga health. Dagdag pa nila na dapat mas mag-ingat pa dahil bumubukas na ang 
ekonomiya at lumalabas na tao. 

"Strictly Stay at Home" pa rin ang paalala ng lokal na pamahalaan kung di naman kailangan lumabas ng bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.