Bagong shoe store sa Cebu, ipinapasara agad dahil sa paglabag sa quarantine protocols

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2020 04:18 PM | Updated as of Nov 11 2020 07:56 PM

Umabot ang pila sa kalsada at tila nabalewala na ang distancing protocols sa kabubukas lang na shoe store sa Cebu City. Photo Courtesy: Aldo Banaynal, The Freeman

Ipinasasara ng mga awtoridad ang kabubukas lang na tindahan ng sapatos sa Cebu City sa anila'y paglabag sa quarantine protocols. 

Nag-alok ng "Buy 1, take 2" sale ang tindahan sa Sanson Road sa Lahug nang magbukas ito ngayong Miyerkoles.

Watch more in iWantTFC

Pero nang makita ang mga retrato ng mga customer na lumabag umano sa quarantine protocols ay iniutos ng pandemic task force ng lungsod na ipasara ang pasilidad. 

Umabot ang pila sa kalsada at tila nabalewala na ang physical distancing protocols. 

Hindi pa nagbibigay ng komento ang tindahan tungkol sa pagpapasara sa kanila. 

Dalawang buwan nang nasa modified general community quarantine ang Cebu City, na may 173 active cases. 

-- Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.