Vaping bawal na sa mga pampublikong lugar sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 05:09 PM | Updated as of Nov 12 2019 07:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bawal na ang vaping at paggamit ng e-cigarettes sa mga pampublikong lugar sa Pasay City.

Sa ilalim ng City Ordinance 6061, ipinagbabawal ang vaping sa government offices, mga ospital, at mga educational at recreational facilities.

Maaari na lang gamitin ang mga vape sa mga kulob na lugar o mga lugar na pinayagan ng may-ari na gawing e-cigarette areas.

Ipinagbabawal din ng ordinansa ang pagbebenta ng vapes sa mga menor de edad.

Naniniwala ang pamahalaang lokal na masama sa kalusugan ng tao ang e-cigarettes at vaping, base umano sa mga pag-aaral na isinagawa ng American Society of Clinical Oncology at John Hopkins Medicine.

"It is high time to impose stricter measures on these substances to protect the youth and the general public against the ill-effects of cigarette smoking and vaping," ani Pasay Mayor Imelda "Emi" Calixto-Rubiano.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P2,000 at sasailalim sa 12 oras ng community service sa unang paglabag.

Multang P4,000 at 24 oras ng community service naman ang parusa sa ikatlong paglabag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.