Task force binuo para sa imbestigasyon sa pananambang sa mayor sa Lanao del Sur

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 09:50 PM

Isang task force ang binuo para sa agarang pagresolba sa kaso ng pananambang sa mayor ng bayan ng Masiu sa Lanao del Sur.

Binuo ng awtoridad ang Task Force Pangandaman para sa pag-iimbestiga at agarang pagresolba sa krimen.

Kabilang ngayon sa iniimbestigahan ng pulisya sa pananambang kay Mayor Nasser Pangandaman ang politika, away pamilya, at umano'y pagpapasuko nito sa mga hinihinalang terorista sa kanilang lugar.

Ayon kay Lanao del Sur provincial police director Colonel Madzgani Mukaraw, inaalam na rin kung kanino ang isang pitakang naiwan sa crime scene sa Barangay Gata sa Buadipuso Buntong kung saan tinambangan ang alkalde at ang mga kasama nito.

Nakaligtas si Mayor Pangandaman pero namatay sa insidente ang kaniyang escort na si Police Corporal Jabbar Pangandaman. Isa pang sibiluan ang sugatan rin sa insidente.

Hindi pa rin nakikilala ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.