Preso sugatan matapos mabaril ng jail guard sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 11:10 PM

SAMAR—Sugatan ang isang bilanggo sa Samar Provincial Jail matapos mabaril ng jail guard noong Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng 2 tama ng bala sa tiyan si Francis Grey at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) Eastern Visayas, nagkaroon ng argumento si Grey at ang jail guard na kinilalang si Angelo Figueroa.

Sinubukan umano ni Grey na agawin ang baril ni Figueroa ngunit naunahan ito ng jail guard kung saan siya nabaril.

Si Grey ay anak ng dating alkalde ng San Jorge, Samar at nahuli noon dahil sa kasong murder.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente.—Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.