Magpinsan patay sa pamamaril sa Cebu City

Donna Lavares, ABS CBN News

Posted at Nov 11 2019 10:30 AM

CEBU CITY - Patay ang magpinsang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Bulacao sa lungsod, Linggo ng gabi.

Binawian ng buhay sa ospital sina Victoriano Gabaca alyas Tikab, 22, at John Mark Cañeda, 16.

Ayon kay Daria, lola ng mga biktima, nasa labas lang ng kanilang bahay ang mga apo nang bilang pagbabarilin ng 4 na lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Wala pang matukoy na motibo sa pamamaril, pero ayon sa lola gumagamit ng ilegal na droga ang kaniyang apong si Tikab. Duda niya, nadamay lang ang apong menor de edad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.