Lalaki hinoldap, pinatay ng riding-in-tandem sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 04:47 PM | Updated as of Nov 11 2019 08:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinutugis ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga holdaper na sakay ng motorsiklo at pumatay sa isang lalaki sa Barangay Balingasa noong nakaraang linggo.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Gerald Allan Fresco matapos barilin ng mga nakamotorsiklo suspek noong Huwebes.

Kalalabas lang ni Fresco mula sa pinagtatrabahuhang factory nang holdapin siya ng mga suspek.

Posibleng nanlaban si Fresco sa mga suspek kaya siya binaril, ayon kay Police Maj. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD.

Bukod kay Fresco, isang babae rin ang hinoldap ng mga suspek, ayon kay Monsalve.

Hustisya naman ang panawagan ng mga kaanak ni Fresco.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.