Suspek sa pamamaril patay sa engkuwentro sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2018 04:00 PM

DAVAO CITY -- Napatay sa engkuwentro laban sa mga pulis ang isang suspek sa pamamaril sa lungsod na ito, Sabado ng gabi. 

Itinuturong responsable ang suspek na si alyas Dodong sa pagpatay sa isang hindi pa kilalang lalaki sa Quimpo Boulevard, kung saan naiwan pa niya ang ginamit na baril habang tumatakas nitong Miyorkeles. 

Ayon sa pulisya, may nagsumbong sa kanila na nasa isang bilyaran sa San Pedro Street ang isang armadong lalaki na tugma sa pagkakalarawan sa suspek. 

Nang makarating ang mga operatiba sa lugar, bigla umanong bumunot ng baril si Dodong at nagpaputok. Nakatakbo pa umano ang suspek bago siya matamaan ng bala nang gumanti ang mga pulis. 

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na armas at 7 empty shell.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa naunang pamamaril nitong Miyerkoles. -- Ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.