Lalaki sugatan sa aksidente sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2018 07:43 AM

MANILA - Naipit sa kaniyang sasakyan ang driver ng isang AUV matapos sumampa ang sasakyan sa center island sa Legarda St. sa Sampaloc, Maynila.

Kinilalang ang biktima na si Winston Tan base sa kaniyang lisensya.

Ayon sa pulis, papuntang Sta. Mesa ang sasakyan. Sa kurbadang bahagi ng Legarda, biglang napagitna ang sasakyan at nabangga sa center island na isang metro lang ang layo sa poste ng LRT2 station.

Hindi pa makausap ang lalaki, pero tinitingnang anggulo ng pulis na nakaidlip o nakainom ang biktima.

Maraming aksidente na rin umano ang nangyari sa naturang lugar. Kamakailan lang, may tumagilid na truck na may lamang kemikal dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.